Wednesday, September 2, 2009

PassagE


man`s life is a series of passages,


full of arrivals and deparures,


crossroads and junctions.


it is in our nature to seek beyond or existence.


we wish for change, we venture on new paths


own mortality. as we thread our way


through our frailties we seek redemption


and salvation from our God.


our life is a Jurney,


from the moment of our genesis


to our last days, we struggle with the world


and with our selves.


It is in this


journey that we are defined.


Living is the quest itself, it is


in the avenues we choose that lead to our achivements


and sometimes even to our mistakes.


its is our courage


to take that leap of faith that makes who we are.


Our success is in doing everthing


to makes our dreams reality


and not in the success itself.


living is our Quest and Life...


is but a


PASSAGE

Monday, July 20, 2009

PUPPY LOVE...


Hindi ko alam kung paano ko idi-discribe ang feelings na `to noon.. isang kakatwang damdamin ang lumukob sa aking kabataan... sa edad kong 10 ay umusbong na ang damdaming di ko mawari, di inaasahan at di maipaliwanag... kagaya marahil ng aking nababasa sa mga komiks, napapakinggan sa mga drama sa radyo, at mga kwento ng pag-ibig sa TV at mga pelikula.

kakatwa, kakaiba... pilitna hinahanap ng aking mga mata ang taong nasa aking isipan palagi. Mula sa klase, sa bahay, sa gabi bago matulog.. iniisip na kasama... hindi ko matangging pati sa panaginip...

Ang Pangalan niya ay Ricardo... isinunod daw ang pangalan niya sa kanyang ama kaya siya Junior. We`re in the same class noon since first grade. we were in fourth grade that time na makaramdam ako na kakaibang feeling for him...May lahing Mistiso si Ric, kahit laking bukid din, aakalain mong anank mayaman siya dahil sa aking kaputian...

Noong maramdaman ko yon noon, ang dami-daming tanong na naglaro sa aking isipan.. Nais humulagpos, nais makawala. Kung Bakit tila mali.. di ba dapat sa opposite sex ko yun nararamdaman, hindi sa same sex. Kagaya ng mga nakikita ko sa Movies and TV... ng mga nababasa sa komiks at pocketbooks... bakit hindi sa mga babae kong kaklase, bakit hindi kay Joan, ang pinakamaganda kong kaklase, orkay Eleanor... ang pinaka matalino kong classmate. bakit tila may bumubulong sa aking na tingnan ko siya palagi, bakit parang ang saya-saya ko kapag masaya siya, kapag ngumingiti siya sa akin, para akong nalulusaw, parang lumulutang ako sa ulap sa tuwing magkasama kami... naghahabulan sa playground sa school... madalas kong pagpantasyahan noon na magkasama kami sa bukid, naghahabulan sa gilid ng pilapil... tapos nagpapagulo-gulong sa dayamihan, naghaharutan hanggang sa makarating sa ilog.. doon magtatampisaw... magsasabuyan ng tubig, mag papahabaan ng langoy. hanggang sa makarating sa gitna ng ilog...

Pero hindi nagtagal ang ganoong pagiging masayahin ko... bigla-bigla akong nagkaroon ng hiya sa aking sarili. Bigla akong nagising na mali ang damdamin ko... dapat hindi ako lumalapit sa kanya. dapat hindi ako nakikipagkaibigan sa kanya... nabatid ko noon na umiibig nga ako. umiibig ako, at sa same sex... at batid ko din na ayon sa bible mali ito... dapat ang babe ay parasa lalaki at ang lalaki ay para sa babae..

kinimkim ko sa aking sarili ang lahat. ang damdamin ko para kay Ric. pilit na itinago. pilit naikinubli bago niya malaman. bago niya maramdaman.

unti-unti ko siyang iniwasan... sa eskwela, hindi ko na siya ginagawan ng assignment... pinapakopya pag may mga exams... sailog kung saan madalas kami nag kakasabay maligo at magtampisaw. sa playgrond at kahit saan, lagi ko na siyang iniwasan. alam kong nagtaka siya... nagdamdam.. pero wala akong nagawa. kailangan kong panindigan iyon at baguhin ang aking sarili.

Doon nagsimula ang lahat, ang mawalan ako ng kakayahang humrap sa madla.. ang maging mailap sa tao.. ang maging mahiyain... bumaba tingin ko sa sarili ko... nawalan ako ng kumpiyansa... naisip ko noon, wala yata akong karapatang magmahal... kasi ang alam ko dapat sa oopposite sex...

Napagpasyahan kong baguhin ang lahat. isinumpa ko sa aking sarili na kahit ako na ang pinakamakasalanang tao pagdating sapag-ibig, pipiliyin kong magtagumpay... isasantabi ang anumang damdamin at pipiliting maging ganap na lalaki... lalo pa akong nagsipag mag aral... kung dati lagi akong nasa fouth honor, naging second honor ako, nagkaroon ng best in math, best in science, best in art at salutatorian when i graduated in elementary...

Monday, June 15, 2009

Life is...















Life is a Gift
Accept it…
Life is an Adventure
Dare it…
Life is a Tragedy
Face it…
Life is a Mystery
Unfold it…
Life is a Journey
Complete it…
Life is a Promise
Fulfill it…
Life is a Goal
Achieve it…
Life is Eternal
Believe it…

Tuesday, June 9, 2009

Interest in Living

"In the middle of the journey of our life I found myself within a dark forest where the straight path was lost.”





I was Walking alone, again... walking and walking to nowhere. Asking myself, What`s going on? what is happening to me now... like i am carrying worlds problem... but i don`t. i know its just a little piece of problem of all the people in this world. but how come i am so tired of carrying these...

Today, i know, its just today... and this is not forever...
pero bakit kapagka malungko ako, sobrang lungkot ko... at pagka masaya ako sobrang saya ko... at sa araw na ito... isa nanaman ito sa pinkamalungkot na araw ng buhay ko...

tila di ko mapigil ang mga paa ko.. dinala ako sa kung saan alam niya na makakapignilay-nilay ako... makakapag isip ng mga nangyayari sa buhay ko...

Manila bay... ito ang lugar na madalas kong puntahan noong college pa ako... dito madalas kong isigaw ang katagang "PUTANG INA NIYO"
Dito din madalas kong kinakausap si LORD bukod sa Church... Dito ko madalas itanong sa kanya kung bakit ako naging ganito... sa hangin, sa dagat, at sa kawalan, ibinubulong ko ang paghihinagpis ng aking kalooban... ang paghihirap na nararamdaman ko... Dito ko din madalas maitanong sa aking sarili kung NASAAN NA BA AKO? bakit ako nawawala... bakit wala akong makapitan tuwing may unos sa buhay ko.... bakit ang dali kong mailipad ng hangin... ang dali kong matangay...

Pero sa kabila ng lahat ng iyon, ito pa rin ako... matibay na humaharap sa hamon ng bukas.. ng buhay... hindi pa rin ako nawawalan ng pag-asa... marahil batid ko na sa kabila ng paghihirap laging may kaakibat ng tagumpay ant ligaya... hindi ganoon kadali... kailangan ng tibay ng loob, kailangan ng tiwala sa sarili....

Sunday, June 7, 2009

Under The Sunshine



I have a lot of things to say... i have a lot of things to write, but my words are still limited because i have no idea kung saan ito patungo... kung saan ito papunta...

But the only thing that is clearer and clearer, its all about my emotions... my world.

as for today, we had a little party in the house last night with my Baby... we drik alcohol and make love... it was a happy night...

i woke up this morning with a smile in my eyes, in my face... and we had fun again untill 3pm in the living room, while playing games in facebook... my restaurant city, my pet keja in pet society.. and my farm in farm town... while watching "the Dream girls" movie...

for me its a sunny day, though its true that its a sunny sunday... ang sarap lang talagang mabuhay pag may inspiration ka ... parang lahat ng tao nakangiti sa`yo... ang-gaan gang kumilos.

sa MRT pinagtitinginan ako ng mga tao dahil nakangiti ako mag isa... im just listening the hinder song "Lips of an Angel" and its really a nice song...

Masaya ako, because i know that he is still there for me... i am surviving because of him... emotionally, psychologically, at lahat na yata ng aspects ng life ko... mahal na mahal ko siya.. and he knew it...

I always prayed that it`ll last forever...

Friday, June 5, 2009

Deep Waters Drowns Us


"He doesn`t take us trough deep waters to drown us but rather to develop us."


But most of the time, people dont realize that...

Don`t undestand that way of God, of testing us...


Neither I...


Madalas kong maisip, saan ba ako nagkamali...

Saan ba ako nagkulang, bakit ganoon, bakit ganito...


Tulad ngayong araw na ito... parang katapusan nanaman ng lahat...

bakit ba kailangan nating timbangin ang lahat... ang sarili nating damdamin laban sa damdamin at kapakanan ng iba...


dahil i dont want to hurt anybody, makasagasa... i am not a happy person but i always make sure that i make people happy...


I`m just one of million of people thingking and believing "Love is the Powerful thing in this world"... bawat bagay sa araw-araw ay dito ibinabase... emotion, feeling, Love...


Madalas kong sabihin sa facebook status ko, "Love is always there for us to Live" at halos madalas din may nag co-comment din ng " to die..."


So scary... but its true...


I hate it when we`re so happy and sweet then suddenly, getting in danger and scary...


I choose to love you in silence
because in my silence
I find no rejection…
imprison you in my thoughts
because in my thought,
freedom is for me to decide..
loving you in the distance,
because distance keeps us away in pain…
touch you in my dreams,
because in my dreams
there was no end…
I love you...

Friday, March 6, 2009

ANG SIMULA...

Isa din akong kagaya mo... kagaya nya... kagaya niyong lahat...

bagamat kakatwa, dahil hanggang ngayon ay curious pa din ako at nagtataka kung bakit may taong kagaya ko... iba ang ang pinagdaanan, ibang landas ang tinahak, ibang hagdan ang inaakyat... marahil, ito ang palad ko... ito ang itinakda niya para sa akin...


Noon, bata pa ako noon, seguro 9 years old lang ako nang maramdaman kung kakaiba ako... kakaiba ang nararamdaman ko...


lumaki kasi ako sa province, sa Eastern part ng Samar, sa isang munting Baryo kung saan ang population ay wala pang 500... sobrang layo sa kabihasnan dahil mahigit kalahating araw ang nilalakbay ng lantrsang di motor sa kahabaan ng malaking ilog na siyang tanging daan para marating ang aming bayan...


pagsasaka ang ikanabubuhay ng aking ama at ina... at syempre tulong-tulong kaming magkakapatid para maitaguyod ng aking family ang studies namin... namulat ako noon na hindi kami sa mismong baryo nakatira kundi sa bukid namin na siyang sinasaka ng tatay ko...

masipag ang nanay at tatay ko... dahil maliliit pa kami ay pinilit nilang makapundar ng lupa at tinaniman nila ito ng kung anu-ano... mula palay, mais, niyog, saging, abaka, prutas, pinya, at kung ano-ano pang mapapakinabangan at mapagkukunan namain ng kabuhayan...


mga 4 years old na ako noon ng magkamalay at bagamat sa bukid kami nakatira ay masipag ang aking nanay na turuan ang aking mga older brother and sister sa kanilang mga school proj and assignments... at sa edad kong 5, ay marunong na akong magbasa ng tagalog at sumulat... isa yun sa mga kaibahan ko sa aking mga kapatid... mayroon akong older brother na mahilig naman mgadrawing... dahil salat kami sa pera, hindi kami sagana sa mga school supplies, kaya ang ginagawa namin ng kuya ko sa dahon ng saging kami sumusulat at nagdraw-drawing gamit ang tinik sa puno ng kalamansi... at pag may election, tuwang tuwa kami dahil marami kaming nakukuhang mga fliers ng mga pulitiko at gigamit namin ang likod nito para sulatan o drawingan...

Edad 4 din ako noong ng lisanin ng aking pangany na kuya ang aming baryo. sinubok niyang makipagsapalaran sa maynila kahit 2nd year highschool lang ang natapos niya... pero ayon sa mga sulat niya sa amin, kung saan-saan siya napadpad sa maynila para lang makahanap ng matinong trabaho.

Sobrang disceplinarian ang nanay at tatay ko. Kaya kaming magkakapatid ay lumaking malaki ang takot sa kanila... naaalala ko noong mga edad 6 ako, inutusan ako ng nanay ko na kumuha sa kubo ng binhi ng palay para dahil iyon ang araw na kailangan naming magtanim ng palay, sa sobrang dulas ng daan papuntang pilapil ng aming bukid, di ko naiwasang madulas at tumilapon lahat ng tangan kong binhi ng palay sa putikan... iyon ang pinakaunang nakaranas ako ako ng latigo (yari sa yantok) mula sa nanay ko...

noong edad 7 na ako, napilitang mag tayo ng bahay ang mga magulang ko sa baryo... para daw sa pag-aaral namin ng mga kapatid ko. pero sa tuwing weekend, napipilitan pa rin kaming pumunta ng bukid dahil doon pa rin nakatira ang nanay at tatay namin kasama si Rady at ruby ang bunso namin.

Sagana kami sa mga prutas, gulay at kung ano-ano pang mga pananim... kaya naisip ng nanay ko na atasan akong maglako ng mga gulay at prutas sa baryo... sa murang edad kong pito, ang dali kong natuto sa buhay. hindi ko ininda kung ano yung sinsabi ng mga kaklase ko. kung nililibak nila ako kung anak man ako ng magsasaka... pero ganun pa man, sobrang saya ko sa tuwing may mga nabebenta ako at binibigyan ako ng nanay ko ng pera galing sa benta ko...

Hindi ganoon kadali mamuhay bilang mahirap, pero lahat ng iyon ay nalampasan ng aking kabataan..

PAG-IBIG O PAGKASUKLAM


para sa mga marunong umibig o magmahal... para sa mga baliw sa pag-ibig o pagmamahal... para sa mga may alam sa katagang ``mahal kita...`` o ``iniibig kita...`` at para sa mga nakaranas ng isang pag-ibig o pagmamahal na masasabing o sinasabing kabaliwan lamang ito... para sa inyo ang tulang ito...

Pag-ibig o pagkasuklam
Minsan may isang pangarap
Isang di makatutuhanang pangarap…
Na animo`y isang panaginip
Kay tamis, kay saya, kay gandang panaginip
Mayroong daw isang pag-ibig
Mayroon daw akong inibig na taga langit,
At bumaba siya sa lupa upang tugunin ang aking pagsinta
At aming pinagsaluhan ang ligaya`t saya
Buong mundo ay nagtataka, mga mata`y nangungusisa…
Isang tagalangit at isang taga lupa…
ngunit sa amin iyon ay balewala
sapagkat doon sa panaginip ko, wagas ang aming nadarama…
wala akong pinakinggan ni isang salita
lahat ng payo nilang kabutihan ko`y binalewala
o pag-ibig, o pag-ibig na makapangyarihan,
hahamakin ang lahat masunod ka lamang.
Buong mundo ko ay kay saya…
Buong paligid ko ay kay sigla…
Nagsisipamukadkad ang mga halaman…
Lahat ng ibon ay nagsisipag awitan
Na akala`y lahat, wala ng hangganan…
Mali ako, mali ang panaginip ko…
Hindi siya panaginip kundi isang bangungot
Na kayhirap takasan, kay hirap kalimutan
Matapos kong maisanla ang aking kaluluwa
Matapos kong maangkin ang luwalhati`t saya,
Nagbago siya… nagbago siya…
Naglaho siya na parang bola…
Kayhirap tanggapin, kay hirap isipin…
Kayhirap takasan, kay hirap limutin…
Ito marahil ang sukli ng aking kapalaluan,
Ng aking kasakiman, ng aking kahibangan….
Nagdurugo ang puso kong sawi,
Umiiyak naghihinagpis ang ang aking sarili
Nakahadusay,nakatulala sa isang tabi…
Pinipilit labanan ang kasawia`t pighati.
Pag-ibig, o pag-big na makapayarihan sa lahat
Baguhin mo ang tadhana ko`t ituro kong ano ang dapat…
Hahayaan na lang bang maupos ang aking lakas
O lalabanang limutin ang pag-ibig na di tapat
Bagamat sa anong paraan…
Linlangin ang aking nararamdaman
Palitan ang pag-ibig ng pagkasuklam…