Friday, March 6, 2009

ANG SIMULA...

Isa din akong kagaya mo... kagaya nya... kagaya niyong lahat...

bagamat kakatwa, dahil hanggang ngayon ay curious pa din ako at nagtataka kung bakit may taong kagaya ko... iba ang ang pinagdaanan, ibang landas ang tinahak, ibang hagdan ang inaakyat... marahil, ito ang palad ko... ito ang itinakda niya para sa akin...


Noon, bata pa ako noon, seguro 9 years old lang ako nang maramdaman kung kakaiba ako... kakaiba ang nararamdaman ko...


lumaki kasi ako sa province, sa Eastern part ng Samar, sa isang munting Baryo kung saan ang population ay wala pang 500... sobrang layo sa kabihasnan dahil mahigit kalahating araw ang nilalakbay ng lantrsang di motor sa kahabaan ng malaking ilog na siyang tanging daan para marating ang aming bayan...


pagsasaka ang ikanabubuhay ng aking ama at ina... at syempre tulong-tulong kaming magkakapatid para maitaguyod ng aking family ang studies namin... namulat ako noon na hindi kami sa mismong baryo nakatira kundi sa bukid namin na siyang sinasaka ng tatay ko...

masipag ang nanay at tatay ko... dahil maliliit pa kami ay pinilit nilang makapundar ng lupa at tinaniman nila ito ng kung anu-ano... mula palay, mais, niyog, saging, abaka, prutas, pinya, at kung ano-ano pang mapapakinabangan at mapagkukunan namain ng kabuhayan...


mga 4 years old na ako noon ng magkamalay at bagamat sa bukid kami nakatira ay masipag ang aking nanay na turuan ang aking mga older brother and sister sa kanilang mga school proj and assignments... at sa edad kong 5, ay marunong na akong magbasa ng tagalog at sumulat... isa yun sa mga kaibahan ko sa aking mga kapatid... mayroon akong older brother na mahilig naman mgadrawing... dahil salat kami sa pera, hindi kami sagana sa mga school supplies, kaya ang ginagawa namin ng kuya ko sa dahon ng saging kami sumusulat at nagdraw-drawing gamit ang tinik sa puno ng kalamansi... at pag may election, tuwang tuwa kami dahil marami kaming nakukuhang mga fliers ng mga pulitiko at gigamit namin ang likod nito para sulatan o drawingan...

Edad 4 din ako noong ng lisanin ng aking pangany na kuya ang aming baryo. sinubok niyang makipagsapalaran sa maynila kahit 2nd year highschool lang ang natapos niya... pero ayon sa mga sulat niya sa amin, kung saan-saan siya napadpad sa maynila para lang makahanap ng matinong trabaho.

Sobrang disceplinarian ang nanay at tatay ko. Kaya kaming magkakapatid ay lumaking malaki ang takot sa kanila... naaalala ko noong mga edad 6 ako, inutusan ako ng nanay ko na kumuha sa kubo ng binhi ng palay para dahil iyon ang araw na kailangan naming magtanim ng palay, sa sobrang dulas ng daan papuntang pilapil ng aming bukid, di ko naiwasang madulas at tumilapon lahat ng tangan kong binhi ng palay sa putikan... iyon ang pinakaunang nakaranas ako ako ng latigo (yari sa yantok) mula sa nanay ko...

noong edad 7 na ako, napilitang mag tayo ng bahay ang mga magulang ko sa baryo... para daw sa pag-aaral namin ng mga kapatid ko. pero sa tuwing weekend, napipilitan pa rin kaming pumunta ng bukid dahil doon pa rin nakatira ang nanay at tatay namin kasama si Rady at ruby ang bunso namin.

Sagana kami sa mga prutas, gulay at kung ano-ano pang mga pananim... kaya naisip ng nanay ko na atasan akong maglako ng mga gulay at prutas sa baryo... sa murang edad kong pito, ang dali kong natuto sa buhay. hindi ko ininda kung ano yung sinsabi ng mga kaklase ko. kung nililibak nila ako kung anak man ako ng magsasaka... pero ganun pa man, sobrang saya ko sa tuwing may mga nabebenta ako at binibigyan ako ng nanay ko ng pera galing sa benta ko...

Hindi ganoon kadali mamuhay bilang mahirap, pero lahat ng iyon ay nalampasan ng aking kabataan..

No comments:

Post a Comment