Monday, July 20, 2009

PUPPY LOVE...


Hindi ko alam kung paano ko idi-discribe ang feelings na `to noon.. isang kakatwang damdamin ang lumukob sa aking kabataan... sa edad kong 10 ay umusbong na ang damdaming di ko mawari, di inaasahan at di maipaliwanag... kagaya marahil ng aking nababasa sa mga komiks, napapakinggan sa mga drama sa radyo, at mga kwento ng pag-ibig sa TV at mga pelikula.

kakatwa, kakaiba... pilitna hinahanap ng aking mga mata ang taong nasa aking isipan palagi. Mula sa klase, sa bahay, sa gabi bago matulog.. iniisip na kasama... hindi ko matangging pati sa panaginip...

Ang Pangalan niya ay Ricardo... isinunod daw ang pangalan niya sa kanyang ama kaya siya Junior. We`re in the same class noon since first grade. we were in fourth grade that time na makaramdam ako na kakaibang feeling for him...May lahing Mistiso si Ric, kahit laking bukid din, aakalain mong anank mayaman siya dahil sa aking kaputian...

Noong maramdaman ko yon noon, ang dami-daming tanong na naglaro sa aking isipan.. Nais humulagpos, nais makawala. Kung Bakit tila mali.. di ba dapat sa opposite sex ko yun nararamdaman, hindi sa same sex. Kagaya ng mga nakikita ko sa Movies and TV... ng mga nababasa sa komiks at pocketbooks... bakit hindi sa mga babae kong kaklase, bakit hindi kay Joan, ang pinakamaganda kong kaklase, orkay Eleanor... ang pinaka matalino kong classmate. bakit tila may bumubulong sa aking na tingnan ko siya palagi, bakit parang ang saya-saya ko kapag masaya siya, kapag ngumingiti siya sa akin, para akong nalulusaw, parang lumulutang ako sa ulap sa tuwing magkasama kami... naghahabulan sa playground sa school... madalas kong pagpantasyahan noon na magkasama kami sa bukid, naghahabulan sa gilid ng pilapil... tapos nagpapagulo-gulong sa dayamihan, naghaharutan hanggang sa makarating sa ilog.. doon magtatampisaw... magsasabuyan ng tubig, mag papahabaan ng langoy. hanggang sa makarating sa gitna ng ilog...

Pero hindi nagtagal ang ganoong pagiging masayahin ko... bigla-bigla akong nagkaroon ng hiya sa aking sarili. Bigla akong nagising na mali ang damdamin ko... dapat hindi ako lumalapit sa kanya. dapat hindi ako nakikipagkaibigan sa kanya... nabatid ko noon na umiibig nga ako. umiibig ako, at sa same sex... at batid ko din na ayon sa bible mali ito... dapat ang babe ay parasa lalaki at ang lalaki ay para sa babae..

kinimkim ko sa aking sarili ang lahat. ang damdamin ko para kay Ric. pilit na itinago. pilit naikinubli bago niya malaman. bago niya maramdaman.

unti-unti ko siyang iniwasan... sa eskwela, hindi ko na siya ginagawan ng assignment... pinapakopya pag may mga exams... sailog kung saan madalas kami nag kakasabay maligo at magtampisaw. sa playgrond at kahit saan, lagi ko na siyang iniwasan. alam kong nagtaka siya... nagdamdam.. pero wala akong nagawa. kailangan kong panindigan iyon at baguhin ang aking sarili.

Doon nagsimula ang lahat, ang mawalan ako ng kakayahang humrap sa madla.. ang maging mailap sa tao.. ang maging mahiyain... bumaba tingin ko sa sarili ko... nawalan ako ng kumpiyansa... naisip ko noon, wala yata akong karapatang magmahal... kasi ang alam ko dapat sa oopposite sex...

Napagpasyahan kong baguhin ang lahat. isinumpa ko sa aking sarili na kahit ako na ang pinakamakasalanang tao pagdating sapag-ibig, pipiliyin kong magtagumpay... isasantabi ang anumang damdamin at pipiliting maging ganap na lalaki... lalo pa akong nagsipag mag aral... kung dati lagi akong nasa fouth honor, naging second honor ako, nagkaroon ng best in math, best in science, best in art at salutatorian when i graduated in elementary...

No comments:

Post a Comment