1. Kung hindi mo mahal ang isang tao, wag ka nang magpakita ng motibo para mahalin ka niya...
2. Huwag mong bitawan ang isang bagay na ayaw mong hawakan ng iba...
3. Huwag mong hawakan kung alam mong bibitawan mo lang...
4. Huwag na huwag kang hahawak kung alam mong may hawak ka na...
5. Parang elevator lang yan eh, bakit kailangan mong ipagsiksikan ang sarili mo kung walang pwesto para sayo, may hagdan naman ayaw mo lang pansinin...
6. Kung maghihintay ka ng lalandi sayo, walang mangyayari sa buhay mo, dapat lumandi ka rin...
7. Hiwalayan mo na kung di ka masaya, walang gamot sa pagiging tanga kundi pagkukusa...
8. Pag may mahal ka at ayaw sayo, hayaan mo lang, malay mo sa mga susunod na araw ayaw mo na din sa kanya, naunahan ka lang...
9. Pag di ka mahal ng mahal mo huwag kang magreklamo. Kasi may mga tao ding mahal ka at di mo mahal, kaya quits lang...
10. Kung dalawa ang mahal mo, piliin mo yung pangalawa, kasi di ka naman talaga magmamahal ng iba kung mahal mo yung una...
11. Hindi porke't madalas mong ka-chat, kausap sa telepono, kasama sa mga lakad o ka-text ng wantusawa eh may gusto sayo ay magkakatuluyan kayo. Meron lang talagang mga taong friendly, sweet, flirt, pa-fall o paasa...
No comments:
Post a Comment